Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah At-Teen: teksto at salin ng kahulugan

Ika-95 na surah sa Mushaf, 8 na ayah, nagsisimula sa pahina 597.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Ash-SharhSurah Al-‘Alaq ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Sumpa man sa igos at oliba,[1]

[1] na tumutubo sa Palestina, ang bayan ni Propeta Jesus

2. sumpa man sa kabundukan ng Sinai,[2]

[2] na nakipag-usap doon si Propeta Moises kay Allāh

3. sumpa man sa matiwasay na bayang ito;[3]

[3] ng Makkah na bayan ni Propeta Muhammad

4. talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.

5. Pagkatapos nagpanauli Kami sa kanya sa pinakamababa sa mga mababa,

6. maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sapagkat ukol sa kanila [sa Paraiso] ay isang pabuyang hindi matitigil.

7. Kaya ano ang nagpapasinungaling sa iyo, matapos nito, sa [Araw ng] Pagtutumbas?

8. Hindi ba si Allāh ay ang pinakahukom ng mga hukom?

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Ash-SharhSurah Al-‘Alaq ›