Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah Al-‘Alaq: teksto at salin ng kahulugan

Ika-96 na surah sa Mushaf, 19 na ayah, nagsisimula sa pahina 597.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah At-TeenSurah Al-Qadr ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,

2. lumikha sa tao mula sa isang malalinta.

3. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay,

4. na nagturo sa pamamagitan ng panulat,

5. nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.

6. Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis

7. dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat.[1]

[1] sa yaman at katayuan sa buhay

8. Tunay na tungo sa Panginoon mo ang [huling] pagbabalikan.

9. Nakakita ka ba sa sumasaway

10. sa isang lingkod [ni Allāh] kapag nagdasal ito?

11. Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay,

12. o nag-utos ng pangingilag magkasala?

13. Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya [inihatid ng Sugo] o tumalikod siya?

14. Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita [ng ginagawa niya]?

15. Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan:

16. isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali.

17. Kaya tumawag siya sa kapulungan niya.

18. Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno].[2]

[2] ang mga anghel na mababagsik

19. Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh].

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah At-TeenSurah Al-Qadr ›