Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah Al-Masad: teksto at salin ng kahulugan

Ika-111 na surah sa Mushaf, 5 na ayah, nagsisimula sa pahina 603.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah An-NasrSurah Al-Ikhlās ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Napahamak ang dalawang kamay ni Abū Lahab[1] at napahamak siya!

[1] Ang tiyuhin ng Propeta, na isa sa mga pinakamasugid na kaaway ng Islam.

2. Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.

3. Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab

4. at ang maybahay niya [rin], na tagapasan ng kahoy na panggatong,

5. habang sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah An-NasrSurah Al-Ikhlās ›