Ika-106 na surah sa Mushaf, 4 na ayah, nagsisimula sa pahina 602.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Dahil sa pagkahirati sa Quraysh –
2. sa pagkahirati nila sa paglalakbay sa taglamig at tag-init –
3. ay sumamba sila sa Panginoon ng Bahay[1] na ito,
[1] Ibig sabihin: ang Ka`bah.
4. na nagpakain sa kanila mula sa isang pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa isang pangamba.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.