Ika-1 na surah sa Mushaf, 7 na ayah, nagsisimula sa pahina 1.
1. Sa ngalan ni Allāh,[1] ang Napakamaawain, ang Maawain.
[1] Ang pangalang Allāh ay pangngalang pantanging ukol lamang sa tunay na Diyos.
2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon[2] ng mga nilalang,[3]
[2] Ang Panginoon (Rabb sa wikang Arabe) ay ang Tagapag-alaga, ang Tagalikha, ang Tagapagtustos, at ang Tagapangsiwa. [3] Ang nilalang (`ālam sa wikang Arabe) ay ang bawat anumang iba pa kay Allāh, gaya ng tao, jinn, anghel, at iba pa.
3. ang Napakamaawain, ang Maawain,
4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.
5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.
6. Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:
7. ang landasin ng mga biniyayaan[4] Mo,[5] hindi ng mga kinagalitan,[6] at hindi ng mga naliligaw.[7]
[4] Ang mga biniyayaan dito ay ang mga propeta, ang mga nagpapakatotoo, mga martir, at mga maayos. [5] Sa istilo ng pagsasalin dito, ang mga panghalip na nagsisimula sa malaking titik gaya ng Ako, Ko, Akin, Ikaw, Mo, Iyo ay tumutukoy kay Allāh. [6] Sila ay ang mga nakakilala sa katotohanan at hindi sumunod dito. [7] Sila ay ang mga naligaw sa katotohan, na hindi napatnubayan.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.