Ika-102 na surah sa Mushaf, 8 na ayah, nagsisimula sa pahina 600.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Nagpalibang sa inyo ang [makamundong] pagpaparamihan
2. hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.[1]
[1] hanggang sa namatay kayo at nanatili kayo sa mga libingan hanggang sa Araw ng Pagbangon.
3. Aba’y hindi! Malalaman ninyo.
4. Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo.
5. Aba’y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan,
6. talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.
7. Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan.
8. Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan [na ipinatamasa Niya sa inyo].
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.