Ika-100 na surah sa Mushaf, 11 na ayah, nagsisimula sa pahina 599.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,
2. saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],
3. saka mga nanlulusob sa madaling-araw,
4. saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok,
5. saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon [ng mga kaaway];
6. tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.
7. Tunay na siya roon ay talagang isang saksi.
8. Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.
9. Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod
10. at itinanghal ang nasa mga dibdib,
11. tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.