Logo ng TartilTartilLive na radyo

Surah Al-Ghāshiyah: teksto at salin ng kahulugan

Ika-88 na surah sa Mushaf, 26 na ayah, nagsisimula sa pahina 592.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Al-A‘lāSurah Al-Fajr ›

بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1. Nakarating ba sa iyo [O Sugo] ang sanaysay ng Tagalukob[1]?

[1] na Araw ng Pagbangon, na babalot sa mga tao ng mga hilakbot

2. May mga mukha sa Araw na iyon na nagtataimtim,

3. na gumagawa [sa Mundo], na magpapakapagal [sa Kabilang-buhay],

4. na masusunog sa isang apoy na napakainit,

5. na paiinumin mula sa isang bukal na pagkainit-init.

6. Wala silang pagkain maliban sa mula sa isang matinik na halaman,

7. na hindi nagpapataba at hindi nakatutugon sa gutom.

8. May mga mukha sa Araw na iyon na nagiginhawahan,

9. na dahil sa pinagpunyagian ng mga ito ay nalulugod,

10. sa isang harding mataas,

11. na hindi sila makaririnig doon ng isang satsat.

12. Doon ay may bukal na dumadaloy.

13. Doon ay may mga kamang nakaangat,

14. may mga kopang nakalagay,

15. may mga almohadon na nakahanay,

16. at mga alpombrang ikinalat.

17. Kaya hindi ba sila tumitingin sa mga kamelyo kung papaanong nilikha ang mga ito,

18. at sa langit kung papaanong inangat ito,

19. at sa mga bundok kung papaanong itinirik ang mga ito,

20. at sa lupa kung papaanong inilatag ito?

21. Kaya magpaalaala ka [sa kanila, O Propeta Muḥammad]; ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang.

22. Hindi ka sa kanila isang tagapanaig [sa pagsampalataya].

23. Ngunit ang sinumang tumalikod at tumangging sumampalataya

24. ay pagdurusahin siya ni Allāh ng pagdurusang pinakamalaki.

25. Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila.

26. Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila.

Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)

Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.

Pakinggan ang mga pagbigkas nitoBasahin ang surah na ito sa Mushaf kasama ang tafsir‹ Surah Al-A‘lāSurah Al-Fajr ›