Ika-84 na surah sa Mushaf, 25 na ayah, nagsisimula sa pahina 589.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Kapag ang langit ay nabiyak
2. at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito,
3. kapag ang lupa ay binanat,
4. at nagtapon ito ng nasa loob nito at nagtatwa ito,
5. at duminig ito sa Panginoon nito at nagindapat ito;
6. O tao, tunay na ikaw ay nagpapakapagod tungo sa Panginoon mo sa isang pagpapakapagod kaya makikipagkita [ka] rito.[1]
[1] sa Araw ng Pagtutuos upang gantihan ka ni Allāh sa mga ito.
7. Kaya hinggil sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kanang kamay niya,
8. tutuusin siya sa isang pagtutuos na magaan
9. at uuwi siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
10. Hinggil naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa bandang likod niya,
11. mananawagan siya ng pagkagupo
12. at masusunog siya sa isang liyab.
13. Tunay na siya dati sa piling ng mga kapwa niya ay pinagagalak.
14. Tunay na siya ay nagpalagay na hindi siya manunumbalik [kay Allāh].
15. Bagkus, tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kanya nakakikita.
16. Kaya talagang sumusumpa Ako sa pamumula ng takipsilim,
17. at sa gabi at sa iniipon nito,
18. at sa buwan kapag namilog ito;
19. talagang lululan nga kayo sa isang antas buhat sa isang antas.
20. Kaya ano ang mayroon sa kanila na hindi sila sumasampalataya?
21. Kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa.
22. Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling.
23. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang iniimbak nila [sa mga dibdib nila].
24. Kaya magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit,
25. maliban ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos; ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.