Ika-109 na surah sa Mushaf, 6 na ayah, nagsisimula sa pahina 603.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Sabihin mo: “O mga tagatangging sumampalataya [kay Allāh],
2. hindi ako sumasamba sa sinasamba ninyo [na mga diyus-diyusan],
3. ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh];
4. ni ako ay sasamba sa sinamba ninyo [na mga diyus-diyusan],
5. ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh lamang].
6. Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.”
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.