Ika-91 na surah sa Mushaf, 15 na ayah, nagsisimula sa pahina 595.
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
1. Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito,[1]
[1] O Sumpa man sa araw at sa pang-umagang liwanag nito,
2. sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon,
3. sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito [ng tanglaw] doon,
4. sumpa man sa gabi kapag bumalot ito [ng kadiliman] doon,
5. sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito,
6. sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito,
7. sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito,
8. saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at pangingilag magkasala nito;
9. nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito
10. at nabigo nga ang sinumang nagparumi nito.
11. Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd [kay Propeta Ṣāliḥ] dahil sa pagmamalabis nito
12. nang sumugod ang pinakamalumbay nito.
13. Kaya nagsabi sa kanila [si Ṣāliḥ,] ang sugo ni Allāh: “[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito [sa araw nito].”
14. Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya saka kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila saka nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa].
15. Hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito.
Salin ng kahulugan: Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center, bersiyon 1.1.4, inilathala nang walang pagbabago mula sa QuranEnc.com. (QuranEnc.com)
Ang salin ay naghahatid ng kahulugan ng Qur'an; hindi ito ang Qur'an mismo, na siyang tekstong Arabe sa itaas.